Ilang netizen ang tumawag kay Maja Salvador na “pambansang third party”.
Ito ay matapos ang naging pag-amin ni Angelica Panganiban na nakipaghiwalay sa kanya noon ang kasintahang si Carlo Aquino dahil gusto na nito si Maja.
Bagamat nilinaw ni Angelica na wala na sila ni Carlo nang maging opisyal ang relasyon nina Carlo At maja.
Gayunman, ilang netizen ang nagsabing marami na pa lang napaghiwalay na magkarelasyon si Maja habang may ibang tinawag pa ang Wildflower star na “sulutera queen”.
Sa kabila nito, may iba namang netizen ang ipinagtanggol si Maja at hinangaan ang hindi nito pagpapa-apekto sa matagal nang mga isyu.
Sa post ng “Carrienmendo”, sinabi nitong hindi naman kasalanan ni Maja kung may ma-inlove sa kanya at hindi rin kasalanan ang magmahal.
—-