Umaabot sa 25 establishments lamang ang itinuturing na compliant hotels and resorts na makakapag-operate sa muling pagbubukas ng Boracay sa October 26.
Ipinabatid ito ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isinagawang pagdinig ng Kamara.
Ayon kay Puyat, ang mga nasabing hotel at resort ay nakasunod sa regulasyon ng pamahalaan at may go signal nang makapag operate na may kabuuang 2,063 kuwarto.
Sinabi ni Puyat na kabilang sa mga hotel at resorts na ito ay ang Astoria Current, Boracay Mandarin Island Hotel, Boracay Haven Resort, El Centro Beach Resorts, Discovery Shores, Red Coconut Beach Hotel at Blue Coral Beach Resort.
Maaari pa aniyang madagdagan ang bilang ng establishments na maituturing na environmental compliant habang papalapit ang Boracay reopening.
IN PHOTOS: The Boracay Inter-Agency Task Force composed of DENR, DILG, DOT and tourism stakeholders met for the adoption of arrangement and policies for the re-opening of Boracay #SaveBoracay pic.twitter.com/HKnzoYNStJ
— Visit Philippines (@TourismPHL) September 28, 2018