Patay matapos na barilin ang dating kapitan ng barangay sa Bansalan, Davao Del Sur kaninang umaga.
Ayon kay Davao Del Sur Police Spokesperson Police Chief Inspector Grace De Castro, idineklarang dead on arrival si dating barangay captain Orle Espina matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin.
Ikinamatay ng dating opisyal ang dalawang tama ng bala sa kanyang likod na tumagos naman sa kanyang tiyan.
Nagpapagaling naman matapos na tamaan sa pamamaril ang isang security guard na pinangyarihan ng krimen.