Pinarangalan bilang stars of the night ang hot-trending couple na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball sa Makati Shangri-La, kagabi.
Iginawad nina Joshua Garcia at Julia Barreto ang parangal kina Carlo at Angelica na pinangalanan ding “Couple of the Night.”
Bukod sa box office hit nilang “Exes Baggage,” marami ring kapwa artista ang kinilig sa dalawa na dating magka-relasyon nang rumampa ang mga ito sa red carpet ng Rizal Ballroom.
Bukod sa mga dating child star, umani rin ng parangal sina dating Pinoy Big Brother housemate Maymay Entrata at Chienna Filomeno.
Samantala, kabilang naman sa mga nag-perform sina Martin Nievera, Yeng Constantino, KZ Tandigan, Billy Crawford at Iñigo Pascual.