Tumaas ng labing-apat (14) na porsyento ang kaso ng HIV-AIDS sa China.
Mahigit walundaan dalawampung libo (820,000) na ang mayroong AIDS o HIV-positive noong Hunyo kumpara sa mahigit pitundaang libo (700,000) sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Chinese National Health Ministry, karamihan sa kaso ay nakuha mula sa pakikipag-talik habang walang nahawa sa pamamagitan ng blood transfusions.
Noon lamang ikalawang quarter, apatnapung libong (40,000) bagong kaso na ng HIV-AIDS cases ang naitala kung saan 93.1 percent ang nahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Magugunita noong dekada nobenta ay nabalot ng iskandalo ang blood transfusion program ng Tsina at libu-libo ang nahawa.