Lumobo pa sa 7.1 trilyong piso ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto.
Kumpara ito sa 6.4 trilyong piso sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ito, ayon sa Bureau of Treasury, ay bunsod ng issuance ng samurai o yen-denominated bonds.
Pinakamalaking utang ay mula sa domestic lenders na aabot sa 4.572 trillion pesos.
Samantala, aabot naman sa 2.53 trillion pesos ang external debts ng gobyerno bunsod ng paglobo ng foreign loans.
—-