Naghahanda na ang Indonesian government sa mass burial sa mga nasawi sa magnitude 7.5 na lindol at tsunami na tumama sa Palu City sa Sulawesi Island sa Indonesia.
Priority ng gobyerno na kaagad mailibing ang mga nasawi batay na rin sa tradisyon ng Islam.
Target sa mass grave na mailibing ang 300 labi habang nagpapatuloy ang paghahanap sa iba pa.
Nagluluksa ang buong bansa dahil sa matinding pinsala ng lindol at tsunami sa rehiyon kung saan 1,000 ang nasawi samantalang 500 naman ang nawawala.