(11AM Update)
Bahagyang lumakas at bumilis ang bagyong Queenie habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang kalurang direkjsyon sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,130 kilometro, silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 245 kilometro kada oras at posible pang lumakas sa susunod na isa hanggang dalawang araw.
Hindi inaasahang mag-la-landfall ang bagyo subalit magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Bicol at Eastern Visayas regions maging sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Sa Biyernes pa lalabas ng PAR ang bagyo.
—-