Isang overseas Filipino worker (OFW) ang patay matapos saksakin ng kapwa OFW sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang biktima ay bente nwebe anyos na residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, na nagtatrabaho bilang family driver.
Isa namang trenta’y kwatro anyos na Pinoy mula Capiz ang suspek na nagtatrabaho rin bilang driver kasama ang biktima.
Nagsuntukan umano ang dalawa sa tapat ng bahay ng kanilang amo na nauwi sa pananaksak.
Ito na ang ikalawang insidente ng pananaksak na kinasasangkutan ng mga OFW sa Saudi Arabia sa nakalipas na ilang linggo.