Sumampa na sa halos 1,400 ang bilang ng nasawi sa pagtama ng magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Sulawesi, Indonesia.
Ayon sa National Disaster Mitigation Agency, nasa 60,000 katao na ang apektado ng kalamidad partikular sa mga lungsod ng Palu at Donggala na pinaka-matinding tinamaan ng lindol at tsunami.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa daan-daan pang natabunan ng mga gumuhong gusali at bahay.
Nananatiling putol ang supply ng kuryente at linya ng komunikasyon sa mga naturang lugar.
Nagkaka-ubusan na rin ng pagkain, tubig, gamot at krudo habang pinangangambahan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit.