Hindi natinag si Senator Antonio Trillanes sa panibagong kaso ng libelo na isinampa laban sa kanya ng kampo ni Vice President Jejomar Binay.
Ito’y may kaugnayan pa rin sa pinakahuling pagdinig sa Senado kung saan isiniwalat ni Trillanes na may mga ghost senior citizens sa Makati City.
Ayon kay Trillanes, malaya si Binay na gawin ano man ang kanyang gustong gawin.
Giit pa ng senador, naka-focus pa rin ang kanyang atensiyon sa pagbubunyag sa mga kinasasangkutang katiwalian ni Binay at umaasa siyang hahantong ito sa pagkakakulong ng Pangalawang Pangulo.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)