Itinakda na ng Comelec ang election period para sa 2019 midterm elections sa May 13, 2019.
Ang election period ayon sa resolusyon ng Comelec ay magsisimula sa January 13, 2019 hanggang June 12, 2019.
Iniurong naman sa October 11 hanggang 12 at 15 hanggang 17 ang filing ng COC o Certificate of Candidacy mula sa dating october 1 hanggang 5.
Alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon naman itinakda ang COC filing at panahon din nang pagtanggap ng certificate of nomination at certificate of acceptance of nomination ng party list groups.
Ang campaign period para sa mga sasabak sa senatorial at party list elections ay mula February 12, 2019 hanggang May 11, 2019 at bawal ang pangangampanya sa March 28, Huwebes Santo at Marcy 29, Biyernes Santo.
Itinakda naman ng Comelec mula March 30, 2019 hanggang May 11, 2019 ang panahon ng kampanya para sa mga tatakbong kongresista at elective regional, provincial, city at municipal officials.
Pagsapit ng May 12 na bisperas ng eleksyon at sa mismong araw ng eleksyon, May 13 ay iiral ang liquor ban at mahigpit na ring ipinagbabawal ang pangangampanya samantalang iiral naman sa buong election period ang gun ban.
Mula November 30, 2018 hanggang sa kalagitnaan ng araw ng eleksyon ay tatanggap ang Comelec ng substitute sa mga kandidato para political party at koalisyon kung ang orihinal na kandidato ay nasawi o na disqualify.
Press Release: COMELEC Sets Election Period, Campaign Period and Other Prohibited Acts for 2019 Polls @jabjimenez pic.twitter.com/QiZibjewh9
— COMELEC (@COMELEC) October 3, 2018