Pumalo pa sa 6.7 percent ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Setyembre sa ika-siyam na sunod-sunod na buwan.
Kumpara ito sa 6.4 percent na naitala naman noong Agosto.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito na ang pinakamabilis na naitalang pagtaas sa nakalipas na siyam na taon.
Ipinaliwanang ng PSA na maituturing na top contributor sa pagbilis ng September inflation ang pagkain, non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, at transportasyon.
—-