Mas gusto pa rin ng mayorya ng mga Pilipno ang demokrasya kumpara sa iba pang sistema ng pamahalaan.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre 15 hanggang 23.
Limampu’t syam (59) na porsyento ng respondents ang nagsabing mas nanaisin nila ang demokratikong sistema ng pamahalaan, 20 porsyento ang gusto ng authoritarian government samantalang walang pakialam kung demokrasya o authoritarian ang iiral na sistema ng gobyerno.
Samantala, lumabas rin sa survey na walumpu’t apat na porsyento ng mga Pinoy ang kuntento sa umiiral na demokrasya sa Pilipinas.
Mas mataas pa ito ng 6 puntos sa 78 percent na naitala noong March 2018.
—-