Nakitaan ng “growth” sa kaniyang digestive tract si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumailalim sa isang medical examination.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque batay na rin sa nakuha niyang impormasyon sa isinagawang joint military – police command conference sa Malakanyang noong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Roque, inirekomenda sa pangulo ang sumailalim sa endoscopy para masuring mabuti ang nakitang “growth” sa kanyang digestive tract.
Ito aniya ang dahilan kung bakit kinailangang magpunta ni Pangulong Duterte sa Cardinal Santos Medical Center noong Miyerkules.
Magugunita noong Huwebes itinanggi nina Roque at Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang ulat na isinugod sa ospital ang punong ehekutibo…
Pero sa naging talumpati mismo ni Pangulong Duterte kinagihan ay inamin nitong isang oras siyang nanatili sa ospital para sumailalim sa mga medical procedure.