Napatunayan ng aktor na si James Reid na hindi talaga madaling maging isang superhero.
Ito’y dahil sa preparasyon pa lamang para sa papel niya bilang Pedro Penduko o Peter Harris ay hirap na hirap na siya lalo’t kailangan niyang mag-aral ng parkour.
Ang parkour ay ang istilo ng pagtakbo, paglundag at paglusot sa mga obstacles na na-develop sa France.
Maliban dito, ayon sa batang aktor, pinag-aaralan na rin niya ang tamang paghawak ng stick weapons at iba pang patalim na kailangan sa pelikula.
Kung ang orihinal na kuwento ay umiikot sa isang simpleng Pedro Penduko, nakatuon naman ang istorya ni Pedro sa isang bagong “chosen one” sa katauhan ni Peter na lumaki sa Estados Unidos.