Todo-kayod na ang gobyerno upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o inflation.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos ang pagsadsad ng public satisfaction ratings ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey.
Ayon kay Roque, anuman ang gradong ibinibigay sa administrasyon ay makatitiyak ang publiko na puspusan na ang pagtatrabaho ng pamahalaan upang mapatatag at siguruhing stable ang presyo ng basic goods.
Magugunita noong Setyembre ay sumirit sa 6.7 percent ang inflation rate, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin simula noong Pebrero 2009.
—-