Pinangangambahang umakyat pa sa 5,000 ang death toll sa magnitude 7.5 na lindol at tsunami sa Palu City, Indonesia.
Sa gitna na rin nang patuloy na pag-rekober ng mga kawani ng Indonesian National Board for Disaster Management sa libu-libong residente na nabiktima ng kalamidad.
Ayon sa mga otoridad, may mga lugar pang hindi napupuntahan ang rescuers kaya’t malaki ang tiyansang lumobo pa ang bilang ng mga nasawi.
Batay sa pinakahuling tala, nasa halos 2,000 na ang bilang ng mga nakuhang labi.