Desidido na si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson na tumakbo sa 2019 midterm elections.
Ito ang naging pahayag ni Uson kasabay ng pagtanggi sa lumabas na balitang sinibak siya sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi nag-resign.
Ayon kay Uson, fake news ang naturang ulat at meron aniya siyang hawak na patunay na nagbitiw siya sa pwesto.
Dagdag ni Uson, dahil sa mga katulad ng tinawag nitong mga kumakalat na fake news ay nagpasiya na siyang tumakbo sa 2019 elections para na rin anito maipagtanggol at mabigyan ng boses ang mga pangkaraniwang mamamayan.
Gayunman tumanggi pa si Uson na tukuyin kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa 2019 midterm elections at sinabing kanya munang kukonsultahin si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
(with report from Cely Ortega-Bueno)
Former PCOO asec Uson said she is now decided to run on 2019 election but refused to mention on what position. @dwiz882 pic.twitter.com/DtWmHXU6us
— cely bueno (@blcb) October 8, 2018