Posibleng patawan ng parusa ng World Boxing Council o WBC si Floyd Mayweather Junior matapos mabunyag na gumamit ito ng intravenous injection ng pinagsamang saline at vitamins bago ang super fight nila ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada sa Amerika noong Mayo.
Kinuwestyon ng beteranong boxing analyst na si Ronnie Nathanielsz ang Nevada State Athletic Commission sa pagkunsinte nito kay Floyd gayong ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency o WADA ang paggamit ng I.V. injection bago ang laban.
Aniya, bagaman nabanggit na niya kay Top Rank CEO Bob Arum ang issue, aminado ang promoter ng Pambansang Kamao na wala pa silang magagawang ligal na aksyon sa paggamit ng pretty boy ng performance enhacing drug.
By Drew Nacino | ChaCha