Habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin, bagsak presyo naman ang halaga ng iligal na droga sa bansa.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mabibili na lamang ang methamphetamine hydrochloride o shabu sa halagang P1,600 hanggang 2,000 pesos kada isang gramo sa Metro Manila.
Malaki ang ibinaba nito kumpara sa P6,800 kada gramo nuong kasagsagan ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Tinukoy ng PDEA na ang pagpasok ng iligal na droga na ipinuslit sa mga magnetic lifter ang siyang bumaha sa kamaynilaan dahilan para sumadsad ang presyo nito.
Pagpapakita lamang aniya ito na sa Metro Manila lamang umikot ang naturang iligal na droga dahil nanatili namang mataas ang presyuhan ng shabu sa CALABARZON at Central Luzon.
—-