Binatikos ni Senador Leila De Lima ang pagbisita ng ilang lokal na opisyal sa tanggapan ng isang pahayagan sa Bacolod.
Matatandaang nagulat na lamang ang tanggapan ng SunStar nang bisitahin sila ng mga pulis para sa umano’y partnership sa mga ito.
Ayon kay De Lima, walang masama sa layon ng mga pulis na pakikipag ugnayan lalo na sa miyembro ng media ngunit hindi ito dapat na magamit para magsagawa ng surveillance o kaya naman ay ma-intimidate ang mga media personnel.
Kung talagang gustong makipag tulungan ng pulisya sa media ay dapat na igalang nila at hayaan na i-ulat ang totoo ng walang pananakot o anomang pagbabanta.
Kapag aniya pinakialaman na ng gobyerno ang trabaho ng media sa pag-uulat nito sa tunay na kalagayan ng bansa ay masasabing nalalagay na nga sa alanganin ang demoksrasya.