Hindi ikinatuwa ng ilang rice stakeholders ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing “unimpeded” o walang restriksyon ang pag-aangkat ng bigas sa bansa.
Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupong Bantay Bigas, walang katiyakan na bababa ang presyo ng bigas kapag bumaha ng imported na bigas sa bansa ngunit tiyak aniya na papatayin nito ang kabuhayan ng maraming magsasaka.
Sinabi ni Estavillo na dapat ang pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay pagpapalakas sa lokal na produksyon ng bigas at hindi iasa ang solusyon sa produktong agrikultural ng ibang bansa.
—-