Inabsuwelto ng mga komite sa Kamara ang pamunuan ng Resorts World Manila (RWM) kaugnay sa nangyaring pamamaril dito na ikinasawi ng halos 40 katao nuong Hunyo 2017.
Ayon sa House committees on public order and safety, games and amusement at tourism, wala silang nakitang dahilan para panagutin o kasuhan ang pamunuan ng rwm sa nasabing insidente.
Gayunman, inirekomenda ng mga nasabing komite na nagsagawa ng pagdinig sa usapin ang pagsailalim sa masusing skills training at crisis management program ng safety at security personnel ng RWM.
Dapat din anilang higpitan ang proseso ng hiring para sa mga empleyado lalo na sa mga sensitibong posisyon tulad ng security.
Magugunitang madaling nakalusot sa security ang gunman na si Jessie Carlos kahit may dala itong baril kayat nakapag sunog ng ilang gaming tables at barilin ang mga nakakasalubong na tao sa loob ng casino.