Hindi magtataas ng presyo ng ang mga panadero sa kanilang pandesal at Pinoy tasty hanggang sa matapos ang taon.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nais ng mga bread manufacturers na makatulong sa bansa at hindi na maka-ambag pa sa patuloy na pagtaas ng inflation.
Batay sa naging pulong ng Deaprtment of Trade and Industry o DTI at mga opisyal ng Philippine Baking Industry Group, mananatili sa P21.50 ang presyo ng Pinoy pandesal habang 35 pesos naman ang presyo ng Pinoy tasty.
Samantala, ipinabatid din ng DTI na hindi magbabago ang presyo ng harinang Pinoy na ibinebenta ng flour millers.
—-