Inanunsyo na ng coalition opposition na Tindig Pilipinas ang limang kandidato sa pagka-senador na kanilang i-endorso sa 2019 midterm elections.
Kabilang dito sina Free Legal Assistance Group President Jose Manuel Chel Diokno, dating Bangsamoro Transition Council Member Samira Gutoc, Magdalo Representative Gary Alejano, Senador Bam Aquino at dating Quezon Representative Erin Tañada.
Ayon sa Tindig Pilipinas, dumaan ang limang nabanggit na kandidato sa matinding selection process ng grupo.
Wala anilang duda na ipagtatanggol ng mga ito ang kalayaan at pag-unlad ng mga Filipino at bansa.
Isa si Diokno sa matinding kritiko ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan habang binabatikos naman ni Alejano ang tila polisiya ng administrasyong Duterte pabor sa China.