Wala pang idineklarang election hotspots ang COMELEC para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaga pa para magdeklara ng mga areas of concern sa halalan at nakatutok muna sila sa filing ng COC o Certificate of Candidacy ng mga kandidato sa halalan.
Bukod dito, hindi pa rin tapos ang PNP sa evaluation ng mga lugar na inaasahang magiging mainit ang pulitika sa panahon ng kampanya at sa mismong araw ng botohan.
Una nang inihayag ng PNP ang patuloy na pagkuha ng mga datos sa mga lugar na inaasahang magiging magulo sa eleksyon.
Posibleng sa Disyembre ilabas ng COMELEC ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa 2019 national at local elections.
Batay na rin ito ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez ang nakasaad sa kanilang calendar of activities.
Kasabay nito, ipinaalala ni Jimenez na magsisimula sa January 13, 2019 ang May 13 election period na magtatapos sa June 12, 2019.