Suportado ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagsasabatas ng senate version ng Security of Tenure Bill na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas maraming probisyon ang Senate Bill No. 1826 o ang “act strengthening the workers’ right to security of tenure” dahil binibigyan nito ng mabigat na kaparusahan ang mga employer na lumalabag sa batas.
Sakaling maipasa aniya ang naturang panukala, tiyak na matatanggal na ang mga mapanlinlang na pununtunan sa labor code, na siyang dahilan kung bakit maraming empleyado ang naloloko ng kanilang mga kumpanya.
Matatandaang noong September 21 nang i-certify ni Pangulong Duterte bilang urgent ang Senate Bill no. 1826.