Humihingi ng update ang BIR o Bureau of Internal Revenue sa DICT o Department of Information and Communications Technology hinggil sa ginagawang pagresolba nito sa network connection ng kawanihan.
Ito’y dahil sa patuloy pa ring nakararanas ng erratic network connections ang BIR sa lahat ng systems at electronic services nito magbuhat pa noong buwan ng Agosto.
Ang E-TIS o Electronic Tax Information System ay isang web-based internal platform ng BIR kung saan, saklaw nito ang taxpayer registration systems, returns filing and processing, collection, remittance and reconciliation, audit, case management system, account systems at iba pang mahahalagang proseso ng BIR.
Magugunitang na-delay ang paglilipat ng E-TIS backup data at files ng BIR partikular na mula sa data center nito sa Quezon City patungo sana sa kanilang bagong data center sa Makati City.