Kumpirmado na ang muling pagsabak sa senatorial election ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at Senador Mar Roxas sa susunod na taon.
Ayon kay Roxas, na last minute ang kanyang pagpapasiya na muling kumandidato kaya inaayos pa ang kanyang schedule para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC).
Sa kanya namang Facebook post, ipinaliwanag ni Roxas na nagsagawa muna siya ng examination of conscience o pagsusuri sa kanyang konsensiya bago nagpasiyang tumakbo.
Aniya, bagama’t mas marami na siyang oras ngayon sa pamilya, nagdesisyon siyang muling tumakbo matapos makaranas ng crisis of conscience at tinanong ang sarili kung paano makatutulong lalo’t mas dumami aniya ang nagsasabing mas humirap ang buhay ngayon.
Una nang kinumpirma ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na isa si Roxas sa magiging senatorial candidate ng Liberal Party (LP) sa halalan sa susunod na taon.
(with report from Cely Ortega-Bueno)
Former Sen Mar Roxas when asked when he is going to file COC @dwiz882
_Naghahanap pa ng time slot. Napakalast minute kasi.”
— cely bueno (@blcb) October 15, 2018