Suportado ng Land Transportation Office (LTO) ang panukalang “no garage, no car”.
Ayon kay Francis Almora, Director, Enforcement ng LTO, isa ang nasabing panukala sa nakikita nilang solusyon upang matuldukan na ang problema sa trapiko dahil ang mga sasakyan umano na hindi naka-park sa mga garahe ay nakakaabala rin sa daloy ng trapiko.
Sinabi ni Almora, na sa ilalim ng naturang panukala, bago makabili ang isang indibiduwal ng sasakyan ay dapat muna niyang patunayan na siya ay may garahe.
Kung sakali naman aniyang mapatunayan na dinaya lamang ang pagkakaroon ng garahe ay mapapatawan ito ng karampatang parusa at multa.
Sa oras umano na maisabatas ang nasabing panukala, hindi lang ito ipatutupad sa National Capital Region maging sa mga lalawigan din na malala na rin ang sitwasyon ng trapiko gaya ng Cagayan de Oro, Cebu at Dagupan.
—-