Malabo pang magpalabas ng desisyon ang Makati Regional Trial Court Branch 148 hinggil sa kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Makati RTC Branch 148 Clerk of Court Maria Rhodora Malabag-Peralta, walang ilalabas na order si Judge Andres Soriano ngayong araw at marahil maging bukas.
Ang Makati RTC Branch 148 ang dumidinig sa kasong kudeta laban kay Trillanes kaugnay ng kinasasangkutan nitong 2003 oakwood mutiny.
Una rito, nagmosyon ang Department of Justice sa korte na mag-isyu ng arrest warrant laban kay Trillanes.