Isang establisyemento sa Boracay ang natuklasang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nameke ng compliance certificate.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ang Henann Group of Resorts ang naglabas ng pekeng compliance certificate na walang seal at order number.
Dahil dito, inihahanda na umano ng DENR ang kasong isasampa laban sa Henann.
Ngunit paliwanag ni Dindo Salazar, manager ng Henann resort sa Boracay, kasalakuyang gumugulong ang imbestigasyon ng kanilang pamunuan sa nasabing isyu dahil kailanman umano ay hindi nagbigay ng otorisasyon kaninuman para mag-sumite ng pekeng dokumento ang presidente ng resort na si Helen Lim.
Mayroong anim na resorts ang nasabing kumpaniya sa Boracay ngunit wala ni isa mga ito ang napabilang sa mga establisyementong pinayagan magbukas ng Inter Agency Task Force.