May buwelta si 8-division world champion Manny Pacquiao sa pangmamaliit ng boxing champion na si Terence Crawford.
Ito ay matapos sabihin ni Crawford na wala siyang planong labanan ang Pambansang Kamao dahil para sa kanya hindi umano maituturing na tunay na kampeon si Pacquiao.
Sagot naman ng fighting senator, marahil ay takot lang si Crawford kaya’t patuloy na umiiwas ito na makalaban siya.
Matatandaang laging kasama ang pangalan ni Crawford sa mga pinagpipiliang makalaban ni Pacquiao.
—-