Nangunguna ang kahirapan at isyung pangkalusugan sa mga isyu na puwedeng magtulak sa mga Pilipino upang gumawa ng political action.
Ayon sa pag-aaral ng PEW Research Center na nakabase sa Washington, 74 percent ng mga Pilipino ang gagawa ng political action dahil sa kahirapan samantalang 71 percent dahil sa kalusugan.
Dalawang bagay umano ang puwedeng gawin ng mga Pinoy sa harap ng mga isyung kinakaharap ng bansa.
Lalapit sa mga halal na opisyal upang idulog ang isyu o kaya naman ay lalahok sa mga demonstrasyon upang magprotesta.
Ang iba pang isyu na puwedeng magtulak sa mga Pinoy upang gumawa ng political action ay police misconduct -69 percent at mababang kalidad ng mga paaralan, 68 percent.