Muling nagpatupad ng big time rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum ngayong araw, Oktubre 20.
Epektibo ngayong alas sais ng umaga, nagtapiyas ng P2 kada litro sa kanilang gasolina ang Phoenix Petroleum habang 90 sentimos naman ang kaltas sa kada litro ng diesel.
Ayon sa Phoenix Petroleum, maaga silang nagpatupad ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo para makabili na ng mga murang langis ang mga motorista simula ngayong weekend.
Samantala, parehong halaga rin ang ipatutupad na kaltas presyo ng Petro Gazz sa kanilang gasolina at diesel epektibo naman ng alas sais ng umaga sa Linggo, Oktubre 21.
Inaasahan namang mag-aanunsyo rin ng parehong rollback sa presyo ng kanilang produktong petroyo ang iba pang mga kumpanya ng langis sa Lunes at Martes.