Itinanggi ng Malakanyang na pinababayaan ng gobyerno ang usapin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Ito ay matapos na maitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 6.2 percent inflation rate sa ikatlong bahagi ng taon, mataas ng 1.4 percent sa naitalang 4.8 percent noong second quarter.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matugunan ang mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bnilihin.
Kabilang aniya rito ang ipinalabas n administrative order 1-3 at tatlong memorandum orders ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapadali sa proseso ng importasyon sa mga agricultural products tulad ng bigas, isda at karne.
Dagdag pa ni Panelo, tiwala rin ang Malakanyang na mararamdaman na ang disinflationary trend o unti unting pagbaba sa inflation rate ngayong buwan.
Ito aniya ay sa oras na bumaha na ng suplay ng mga produktong pang-agrikultura sa mga merkado sa bansa.
BSP tiwalang baba ang inflation rate
Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa na ngayong Oktubre hanggang sa taong 2020 ang inflation rate sa bansa.
Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matugunan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Kabilang aniya sa mga hakbang na ito ang pagpapadali ng importasyon ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas, karne at mga gulay.
Dagdag ni Guinigundo, makatutulong din sa pagpapababa ng inflation oars na maipapasa na ang rice tarification bill na layuning bawasan ang buwis sa mga agricultural products.
Samantala, sinabi ni guinigundo na tinaasan na rin ng bsp ang kanillang policy rate o interest na sinisingil sa mga pautang na inaasahang mabibigay solusyon sa pagbaba ng halaga ng piso sa world market.