Balak ngayon ng Labor Group Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP na rebisahin ang P320 wage hike petition upang maging tugma ito sa 6.2% inflation rate ng bansa sa 3rd quarter ng taon.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, hindi na sumasapat ang kasalukuyang P512 na minimum wage ng mga manggagawa para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ito aniya ang dahilan kung kaya’t nais na nilang isulong ang substantial wage increase para sa mga ordinaryong manggagawang Pilipino.
Nakatakda aniya ang kanilang wage hike consultation para sa Metro Manila sa darating na Lunes, October 22.
Paliwanag ni Tanjusay, ang P320 wage hike petition na kanilang isinumite noong Hunyo ay naka-base pa para sa first quarter inflation rate.