Aminado ang palasyo na walang sariling kakayahan ang Communist Party of the Philippines – New Peoples Army o CPP-NPA sa pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, dahil sa limitadong resources ng rebeldeng grupo, hindi nito kakayaning mag-isa na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit naniniwala si Panelo na kung makikipag-alyansa ang NPA sa ibang pwersa, hindi malayong magkaroon ito ng kapasidad na maglunsad ng ouster plot.
Una nang sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na magiging kataka-taka naman kung sa loob ng isang araw ay hindi nag-iisip ang mga kalaban ng administrasyon para tanggalin sa pwesto ang punong ehekutibo.