Bukas si Ozamiz City Archbishop Martin Jumoad sa posibleng pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.
Ayon kay Jumoad, sa katunayan ay nakatulong ang batas militar upang mapanumbalik ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Bumaba aniya ang bilang ng krimen sa Mindanao simula nang ipatupad ang Martial law at naging disiplinado ang maraming mamamayan.
Ipinunto naman ng arsobispo na bagaman marami na ang nagsuko ng kanilang mga armas, marami pang dapat gawin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.
Gayunman, hindi isinasantabi ni Jumoad na may ilang sundalo o unipormado ang umaabuso kaya’t hinimok niy ang publiko na maging mapagmatyag at agad isumbong ang anumang kaso ng human rights violation.