Nagpahayag ng kahandaan ang Estados Unidos na kupkupin ang may 10,000 Syrian refugees sa loob ng isang taon.
Ito ang sagot ng Amerika sa pressure ng international communities na tulungan ang refugees sa krisis na kinakaharap ngayon ng Europa.
Gayunman, hindi maitago ng US ang kanilang agam-agam sa pagkupkop sa Syrian refugees.
Sinabi ni White House Spokesman Josh Earnest na pangunahing nilang ikinukunsidera ay ang national security.
By: Ralph Obina