Muling magkakasa ng pagdinig ang senado bukas kaugnay ng ginagawang paghahanap ng Pilipinas para sa ikatlong telco o telecommunications company.
Ito’y makaraang kasuhan ng isang kumpaniya ang NTC o National Telecommunications Commission dahil sa tila ginagawa umano nitong gatasan ang proseso sa pagpili ng ikatlong telco.
Ayon kay Senadora Grace Poe, chairman ng senate committee on public services, kailangan aniya na maipabatid sa publiko ang mga developments dito lalo’t posible nang i-award ang kontrata sa susunod na buwan.
Kabilang sa mga ipinatatawag sa pagdinig bukas sina DICT o Department of Informations and Communications Technology Acting Sec. Eliseo Rio, NTC Chair Gamaliel Cordoba, SEC Securities and Exchange Commission Chair Emilio Aquino.
Gayundin sina Philippine Competition Commission Chairman Arsenio Balisacan, Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia at DOST o Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña.