Naniniwala ang mga senador na dapat matigil na ang pamamayagpag ng mga tinatawag na nuisance candidate o mga panggulo sa tuwing dumarating ang halalan.
Iyan ang binigyang diin sa DWIZ ni Senate President Vicente Tito Sotto III kasunod ng pag-alma ng COMELEC o Commission on Elections sa Senate Bill 911 na isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian.
Aminado si Sotto na may mga agam-agam pa siya sa nasabing panukala subalit naniniwala siyang dapat patawan na ng parusa ang mga nuisance candidate na tatlong beses nang tumatakbo sa halalan.
“Nagtatalo ang damdamin ko diyan kasi baka maka tiyempo ka ng sinasabi ng commissioner console na ‘’kawawa naman eh nag-fa-file eh mahirap lang, eh kaya nadi-disqualify kasi walang capacity.”
Gayunman, sinabi ni Sotto na dapat nakasaad sa panukala ni Gatchalian na ipinauubaya pa rin sa COMELEC ang pagtukoy kung sino ang panggulo at kung sino ang hindi.
“Yung mga dini-disqualify nila, yung mga nuisance candidate, eh di nakalista ka na, sumunod na eleksyon nag file ka na naman, disqualify ka na naman. Sa pangatlo, wag ka nang tanggapin. Debatable pa yung pag multahin. Wag ka nalang tanggapin siguro kasi mas madali yon. Mas katanggap tanggap sa mga kababayan natin yun kaysa sa pagmumultahin.”
Nilinaw naman ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi naman parurusahan sa kaniyang isinusulong na panukala.
Bagama’t iginagalang ni Gatchalian ang opinyon ni Guanzon, dapat aniyang mabatid nito ang layunin ng panukala na pabilisin ang trabaho ng poll body
(From Usapang Senado Interview)