“All systems go” na ang Boracay sa Malay, Aklan para sa soft opening nito sa Biyernes, Oktubre 26, anim na buwan matapos ang rehabilitasyon ng sewerage system at demolisyon ng mga iligal na istruktura sa isla.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, hindi na matatawag na cesspool o tapunan ng basura ang isla dahil malinis na ang tubig lalo sa dalampasigan.
Gayunman, maaaring ipagbawal muna ang ilang water activities tulad ng parasailing, island hopping at jet-skiing hangga’t hindi natatapos ang pag-aaral sa marine biodiversity ng Boracay.
Patuloy anyang i-mo-monitor ng gobyerno ang water quality at pagpapalawak ng mga kalsada sa pangunahing tourist destination sa bansa na inaasahang matatapos bago matapos ang taon.