Kinumpirma ni US President Donald Trump ang pagkalas ng Estados Unidos sa nuclear arms control treaty sa Russia na nilagdaan noon pang dekada otsenta.
Partikular na tinukoy ni trump ang 1987 Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty na nagbabawal sa mga ground-launch nuclear missile na range na 500 hanggang 5,500 kilometers.
Ayon sa Pangulo, nilalabag ng Russia ang naturang kasunduan dahil sa patuloy na development at deployment ng mga bagong cruise missile.
Dahil dito, mag-de-develop din aniya ang Amerika ng mga panibagong long-range missile na may kakayahang magdala ng nuclear weapons.
Nababahala naman si dating Russian President Mikhail Gorbachev sa banta ni Trump dahil maaaring mauwi ito sa isang nuclear war kung hindi mako-control lalo’t mayroon na ring armas nukleyar ang iba pang bansa tulad ng China.
—-