Dead on the spot ang isang lalaki matapos mahagip ng paparating na tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan Station sa Maynila.
Ayon kay PNR Operations Manager Joselie Geronimo, paparating na sa istasyon ang tren nang biglang tumawid ang lalaki kaya’t hindi napansin ng operator ng tren.
Ilang minuto ring naantala ang operasyon ng PNR train pa-northbound dahil sa insidente.
Tumanggi ang PNR na isapubliko ang pangalan ng nasawi habang hindi pa napagsasabihan ang pamilya nito.
(Ulat ni Aya Yupangco)