Mabubura na sa mga pamilihan ang NFA rice sa sandaling maisabatas at maipatupad ang Rice Tariffication Bill.
Ayon kay NFA Administrator Tomas Escarez, sa ilalim ng panukalang batas, tinanggal na ang obligasyon ng NFA na maglagay ng murang bigas sa mga pamilihan.
Sinabi ni Escarez na mamimili pa rin ng palay sa mga magsasaka ang NFA subalit ilalaan na lamang ito sa buffer stock na kailangan sa panahon ng kalamidad at emergencies.
Ipinaliwanag ni Escarez na dahil sa rice tariffication, babaha ng imported rice sa bansa dahil wala nang limitasyon ang pag-angkat ng pribadong sektor ng bigas basta’t magbabayad sila ng taripa.
At kapag marami aniyang supply ng imported rice, sinasabi sa batas na bababa rin ang presyo nito sa pamilihan kaya’t hindi na kailangan pa ng murang NFA rice.
—-