Sasabak sa isang sparring session ngayong araw si Pambansang Kamao at Senador Manny “Pacman” Pacquaio sa Greek-Australian Professional Boxer na si George Kambosos.
Hindi naman nakasipot sa training kahapon ang fighting senator dahil sa katatapos lamang na selebrasyon ng kanyang ika-40 kaarawan.
Nauunawaan naman ng kanyang coach na si Buboy Fernandez ang hindi nito pagsipot at sinabing mas kinakailangan ni Pacman ang magpahinga para sa kanyang paparating pang mga pag-eensayo.
Inaasahan namang bibiyahe sa ika-22 ng Disyembre ang Team Pacquiao papuntang Maynila upang tumungo sa Amerika para sa papalapit na laban ng Pambansang Kamao.
—-