Sibak sa puwesto ang higit 50 mga pulis sa Sao Paulo, Brazil.
Ayon sa state prosecutor, napatunayan na tumatangap ng lagay ang naturang mga pulis mula sa first capital command drug gang, pinakamalaking drug cartel sa brazil bilang proteksyon sa operasyon nito.
53 ng Sao Paolo State Police ang inaresto habang tatlong miyembro ng drug cartel ang hawak rin ng mga awtoridad.
Dahil sa pangyayari, tanging sampung porsyento na lamang ng Sao Paolo Police ang naiwan sa serbisyo.