Ikinairita ng Malakanyang ang panawagan ni United Nations (UN) Special Rapporteur on the Situation of Human Rights Defenders Michel Forst na wakasan na ang pag-atake sa mga rights advocate sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iresponsable ang pahayag ni forst at hindi lamang nakapag-papababa sa integridad ng UN Special Rapporteur System kundi ng buong mekanismo ng United Nations.
Masyado na rin anyang nagagamit ng mga grupong bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte ang UN bilang paraan upang magpakalat ng mga maling impormasyon.
Hinamon naman ni Panelo ang mga local group na magsumite sa mga otoridad ng mga umano’y kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng kanilang mga miyembro.